Si Cecilia ang nag-iisang anak ni Totoy na tanging nagpapaikot at nagpapatakbo sa kanyang buhay, isang masayahing bata at mapagmahal na anak kung kaya't ganoon na lamang kung mahalin siya ni Totoy.
Ngunit sila'y pinaghiwalay ng tadhana kung saan masusubukan ang kanilang tibay ng loob, maipaglaban lang ang buhay nilang dalawa.
Magkakasama pa kayang muli ang mag-amang sina Totoy at Cecilia?
Malalagpasan kaya nila ang isang pagsubok na tila isang malagim na panaginip para sa kanila?
Sa kabila ng mga pangyayaring ito kay Totoy, muling nagbalik si Anna at sabik itong makasama siya.
Ngunit anong mararamdaman ni Anna sa isang balitang hindi niya aakalaing si Totoy ang makagagawa?
Lalo pang naging miserable ang buhay ni Totoy at sa kaibigan niyang si Anna dahil sa mga taong pilit silang pinaglalayo at patuloy na gumugulo sa kanila.
Subalit hindi ito magiging hadlang sa kanilang pagsasamahan.
Patuloy silang lalaban para sa isa't isa.